top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kahulugan ng may dalang cake ang ermat na galing probinsya

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 13, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | March 13, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Dennis ng Tarlac.


Dear Maestra,


Maraming salamat sa interpretasyon n’yo ng panaginip na ipinadala ko noong nakaraang linggo. Nagkatotoo ang kahulugan nito at nakaligtas ako sa gulo dahil sa inyo. Dahil dito, gusto ko ulit magpaanalisa sa inyo.


Napanaginipan ko na dumating ang nanay ko mula sa probinsya, tapos pasalubong siyang birthday cake. Tinanong ko kung bakit may dala siyang cake, eh, wala namang may birthday.


Ngumiti lang siya, tapos binaba niya ang cake sa lamesa, at agad kong sinindihan ang kandila, tapos hiniwa ko na rin ito matapos kong hipan ang kandila.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Dennis


Sa iyo, Dennis,


Napakaganda ng ibig ipahiwatig ng panaginip mo na dumating ang nanay mo at may dalang birthday cake, tapos tinanong mo siya kung bakit may dalang cake, gayung wala namang may birthday. Ito ay nangangahulugan na paparating na ang malalaking suwerte sa buhay mo, kung saan papalarin ka sa lahat ng aspeto sa buhay.


Ang sinindihan mo agad ang kandila ng birthday cake ay nangangahulugan ng kasaganaan, kaunlaran at magandang kalusugan, ligtas sa anumang sakit at karamdaman. Nangangahulugan din ito ng mahabang buhay.


Samantala, ang hiniwa mo ang cake ay nangangahulugan na ang suwerte mo ay magiging pansamantala lamang kung hindi mo ito matututunang hawakan at ingatan.


Nawa’y matutunan mong sinupin at pagyamanin ang suwerteng darating sa buhay mo upang hindi ito makawala agad at mauwi sa bula ang lahat.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page