top of page
WINNER - TITO-KIKO SA 2028, ISINUSULONG-IG _reallysharoncuneta.jpg

Kahulugan ng matalim na kutsilyo at kinalmot ng pusa

  • BULGAR
  • Nov 15, 2022
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | November 15, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Thelma ng Lucban, Quezon.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na may hawak akong kutsilyo, tapos matalim ito dahil bagong hasa. Ilalagay ko sana ang kutsilyo sa lamesa, pero natapakan ko ‘yung pusa. Hindi ko nakita na nasa gilid lang ng lamesa ang pusa, kaya kinalmot ako nito at nagalit sa akin.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Thelma


Sa iyo, Thelma,


Ang matalim na kutsilyo sa panaginip mo ay nagpapahiwatig na marami kang lihim na kaaway. Ito rin ay nangangahulugan na daranas ka ng kabiguan sa pag-ibig at pati ang negosyo mo ay may posibilidad na malugi.


Samantala, ang kinalmot ka ng pusa at nagalit sa iyo dahil natapakan mo ito ay nangangahulugan na ang karelasyon mo ay hindi maganda ang mga disposiyon sa buhay. Dahil d’yan, ang pagsasama n’yo bilang mag-asawa ay hindi magiging maganda.


Daranas ka ng mga kalungkutan sa piling niya. Makabubuting mag-isip-isip ka muna bago tuluyang magpakasal sa kanya.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page