top of page
Heart Evangelista.jpg

Kahulugan ng masayang nagbibilang ng maraming pera

  • BULGAR
  • Dec 6, 2022
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | December 6, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Albert ng Pampanga.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na ang dami kong pera. Tapos tuwang-tuwa ako habang binibilang ko kung magkano ang lahat ng ito. Kabaligtaran ba ang kahulugan nito?


Naghihintay,

Albert


Sa iyo, Albert,


Hindi kabaligtaran ang kahulugan ng panaginip mo na marami kang pera. Sa halip, ito ay nagpapahiwatig ng kasaganaan, kayamanan at kaunlaran sa buhay. Gayundin, ito ay nagpapahiwatig na susuwertehin ka sa pag-ibig at negosyo.


Samantala, ang binilang mo kung magkano lahat ang nasabing pera at tuwang-tuwa ka habang nagbibilang, nangangahulugan ito na ang pagsasama n’yo ng asawa mo ay bibiyayaan ng maraming anak na magpapasaya sa inyo at magdudulot ng suwerte.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page