top of page
Search
  • BULGAR

Kahulugan ng masaya dahil napawalang-sala

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | August 8, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Gerry ng Aklan.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na masayang-masaya ako dahil napawalang-sala ako sa akusasyon ng kapitbahay ko na nag-demanda sa akin. Kinausap ako ng judge upang sabihin ang magandang balitang ‘yun at agad akong umuwi. Buti na lang, may susi ako, kaya binuksan ko ito at pumasok agad upang magpahinga.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Gerry



Sa iyo, Gerry,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na masayang-masaya ka ay magandang kalusugan at ligtas sa anumang uri ng karamdaman. Ito rin ay nagpapahiwatig na makakatanggap ka ng hindi inaasahang mana mula sa kamag-anak mo.


‘Yun namang pinawalang-sala ka ay nangangahulugan ng magandang kapalaran. Susuwertehin ka sa darating na mga araw. Ito rin ay nagpapahiwatig na mapo-promote ka sa iyong pinapasukan at madadagdagan ang suweldo mo, kaya magiging stable na ang iyong kabuhayan.


Samantala, ang ibig sabihin ng binuksan mo ang iyong bahay gamit ang susi na dala mo at agad kang pumasok upang mamahinga ay nangangahulugan ng kayamanan at tuloy-tuloy na pag-unlad sa buhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page