Kahulugan ng masasarap na pagkain at uminom ng whisky
- BULGAR
- Oct 22, 2022
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | October 22, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Tomas ng Naic, Cavite.
Dear Maestra,
Magandang araw sa inyong lahat.
Napanaginipan ko na ang dami-daming masasarap na pagkain sa lamesa namin, pero wala namang okasyon. Biglang dumating ang mga barkada ko at masaya kaming nagsalo-salo. Nag-inuman pa kami ng whisky pagkatapos kumain.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Tomas
Sa iyo, Tomas,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na maraming pagkain sa lamesa n’yo kahit wala namang okasyon ay prosperity at happiness. Uunlad na ang buhay mo at magiging masaya kayo ng pamilya mo.
Ang biglang dumating ang mga barkada mo at masaya kayong nagsalo-salo ay nagpapahiwatig na magkakaroon ka ng napakasayang love affair, kung saan susuwertehin ka sa pag-ibig.
Samantala, ang nag-inuman kayo ng whisky pagkatapos kumain ay babala na posible kang maging lasenggo kung hindi mo iiwasan ang pag-inom ng sobrang alak at makakasama rin ito sa iyong kalusugan. Dahil d’yan, maghinay-hinay ka lang sa pag-inom ng alak. Uminom ka lang kapag may okasyon, pero huwag kang sosobra.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments