Kahulugan ng martilyo at maruming mga kamay
- BULGAR
- Dec 8, 2021
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | December 08, 2021
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Danilo ng Cavite.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na kumuha ako ng martilyo at pinukpok ko nang pinukpok ang pako sa dingding namin. Pagkatapos kong pukpukin ang pako, napansin ko na ang dumi-dumi ng mga kamay ko. Ano ang ibig sabihin nito?
Naghihintay,
Danilo
Sa iyo, Danilo,
Ang ibig sabihin ng martilyo sa panaginip mo ay susuwertehin ka sa buhay. Yayaman ka at sasagana ang buhay mo dahil sa iyong kasipagan.
Gayunman, ang senaryong marumi ang mga kamay mo matapos mong pukpukin ng martilyo ang pako sa dingding ay nagpapahiwatig na dapat kang mag-ingat sa mga transaksiyong iyong pinapasukan. Talasan mo ang iyong pakiramdam upang tuloy-tuloy mong makamit ang tagumpay.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia De Luna



Comments