top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Kahulugan ng maraming kambing sa bukid at nakakita ng higante

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 14, 2023
1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Pebrero 14, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Larry ng Capiz.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na ang daming kambing sa bukid namin, tapos nakakita rin ako ng higante. Napakalaking tao niya at nakatingin siya sa akin.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Larry


Sa iyo, Larry,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nakakita ka ng maraming kambing sa bukid n’yo ay may binabalak na hindi maganda sa iyo ang mga lihim mong kaaway. Gayunman, hindi sila magtatagumpay kung tatalasan mo ang iyong pakiramdam at hindi magpapakita ng kahinaan.


Magagapi mo sila sa masama nilang binabalak at ikaw ang magwawagi.


Samantala, ang ibig sabihin ng higante na nakita mo at ito ay nakatingin sa iyo ay makakaranas ka ng malaking sagabal sa mga binabalak mong gawin na kakailanganing maging matatag ka at hindi madaling panghinaan ng loob. Malalagpasan mo ang mga sagabal na ito kung mananatiling matapang at buo ang iyong loob sa pagharap sa matitinding hamon ng buhay.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page