top of page

Kahulugan ng maraming kambing na nakapasok sa bakuran at nabasag na baso

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 21, 2021
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | November 21, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Paulo ng Cavite.


Dear Maestra,


Napakaganda ng inyong kolum tungkol sa panaginip dahil ang sarap nitong basahin.


Buti na lang, may ganyang kolum sa BULGAR. Isa ako sa mga tagahanga ninyo at gaya ng maraming nagpapaanalisa sa inyo ng panaginip, gusto ko ring magpaanalisa sa inyo.


Napanaginipan ko na maraming kambing na nakapasok sa aming bakuran, tapos nag-panic ako dahil hindi ko alam kung paano sila itataboy. Dahil dito, nabasag ang basong hawak ko.


Ano ang ibig sabihin nito?


Naghihintay,


Paulo


Sa iyo, Paulo,


Ang mga kambing sa panaginip mo ay nagpapahiwatig na may mga kaaway ka na nagpaplano ng hindi maganda laban sa iyo, kaya ibayong pag-iingat ang dapat mong gawin. Talasan mo rin ang iyong isipan at makiramdam ka nang mabuti.


Magagapi mo ang iyong mga kaaway at hindi sila magtatagumpay. Huwag kang matakot at maging matatag ka sa anumang hamon ng buhay.


Tungkol naman sa basong nabasag habang hawak mo, nagpapahiwatig ito na makakaranas ka ng kabiguan pero lilipas din ito at iyong mapagtatagumpayan.


Matapat na sumasaiyo,


Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page