Kahulugan ng maraming bunga ng mansanas
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | December 22, 2021
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Dennis ng Masbate.
Dear Maestra,
Maligayang Pasko sa inyong lahat! Gusto kong magpaanalisa ng panaginip ko.
Napanaginipan ko na andaming bunga ng puno ng mansanas sa likod ng bahay namin at tuwang-tuwa akong namitas. Tapos ang dami kong pinitas na mansanas na ubod ng tamis.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Dennis
Sa iyo, Dennis,
Salamat sa pagbati mo, nawa’y maging maligaya rin ang Pasko mo at ng iyong buong pamilya.
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na maraming bunga ng mansanas sa likod ng bahay mo ay tagumpay sa lahat ng iyong binabalak sa buhay.
‘Yun namang tuwang-tuwa kang namitas ng mga ito, nagpapahiwatig ‘yan n
a magkakaroon ka ng anak na lalaki na magiging napakayaman sa buhay. Sisikat siya at igagalang sa inyong barangay.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia De Luna




Comments