Kahulugan ng maputik at malinis na daan
- BULGAR
- Dec 7, 2022
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | December 7, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Gemma ng Masbate.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na naglalakad ako sa maputik na daan at halos 15 minutes bago ko nalagpasan ang maruming daan na ‘yun. Nagtuloy-tuloy ako sa paglakad at sa awa ng Diyos, malinis na daan naman ang nilakaran ko hanggang sa makarating ako sa aking patutunguhan.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Gemma
Sa iyo, Gemma,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na naglalakad ka sa maputik na daan ay makakaranas ka ng mga kabiguan at kamalasan sa buhay. Buti na lang, nalagpasan mo ang maruming daan na ‘yun at naging malinis na ang daang nilakaran mo hanggang makarating ka sa iyong patutunguhan. Ang ibig sabihin niyan ay susuwertehin at pagpapalain ka na sa buhay, kung saan matatapos na ang iyong kalungkutan. Masasabi mo sa iyong sarili na tunay ngang kung may lungkot, may ligaya at kung may hirap, may ginhawa.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments