Kahulugan ng malinaw na waterfalls
- BULGAR
- Mar 17, 2022
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | March 17, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Robert ng Laguna.
Dear Maestra,
Magandang araw sa inyong lahat. Nais kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko na naliligo ako sa isang waterfalls dito sa Laguna. Napakalinaw ng tubig, kaya sarap na sarap akong maligo at halos ayaw ko nang tumigil sa paliligo.
Ano ang kahulugan ng panaginip ko?
Naghihintay,
Robert
Sa iyo, Robert,
Napakaganda ng ibig sabihin ng panaginip mo na malinaw ang tubig na ipinaliligo mo galing sa waterfalls. Ito ay nangangahulugan ng kaligayahan at kasaganaan na may kaakibat na suwerte o mga pagpapala sa buhay.
Samantala, ang ibig sabihin naman ng ikaw ay naliligo, nag-aalala o nababahala ka sa mga bagay na hindi pa naman dumarating. Inaakala mo pa lamang ang mangyayari, labis mo na itong dinidibdib. Iniisip mo na agad ang problemang kakaharapin kahit hindi pa naman ito dumarating.
Huwag kang mabahala, mag-relaks ka lang dahil ang labis na pag-aalala ay makakasama sa iyong puso at isipan. Magdudulot ‘yan ng karamdaman at panghihina ng iyong kalusugan. Alalahanin mo, health is wealth, lalo na kung ang problema ay wala pa naman.
Muli, iwasan mong mabahala o ma-stress. Take care of today’s problem, leave tomorrow in God’s hand.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments