top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kahulugan ng malaking memorial arch at nakita ang yumaong erpat

  • BULGAR
  • Nov 5, 2022
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | November 5, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Boy ng Pasig City.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na may natanaw akong malaking memorial arch, tapos naglakad ako papunta ru’n. Sa ilalim ng arko ako dumaan, tapos bigla kong natanaw ang tatay ko na matagal nang patay, pero sa panaginip ko ay buhay na buhay ang hitsura niya.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Boy



Sa iyo, Boy,


Ang ibig sabihin ng may natanaw kang malaking memorial arch ay magtatagumpay ka sa pinapangarap mo, subalit dadaan ka muna sa mabibigat na pagsubok. Gayunman, sipag at tiyaga ang kailangan mong ipatupad.


Ang dumaan ka sa ilalim ng arko ay nangangahulugan na makakaranas ka ng pagkabigo sa unang bahagi ng buhay mo, subalit dahil sa iyong pagsusumikap, mararating mo ang tagumpay at sasaiyo ang mga pagpapala sa buhay.


Samantala, ang natanaw mo ang tatay mo na buhay na buhay, gayung matagal na siyang patay ay nangangahulugan na madadamay ka sa isang kaguluhan, pero isa sa mga matapat mong kaibigan ang tutulong sa iyo. Dahil d’yan, nagpapahiwatig ang panaginip mo na dapat kang mag-ingat sa lahat ng sandali. Talasan mo ang iyong isipan at maging mapagmatyag ka sa tuwi-tuwina.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Esrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page