top of page
Search
  • BULGAR

Kahulugan ng malakas na ulan at nabasa ang ulo

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | August 9, 2023


Analisahin natin ang panaginip ng lola ni Josephine ng Tarlac.


Dear Maestra,


Ang isasangguni ko sa inyo ay ang panaginip ng lola ko, natutulog umano siya sa kanyang kuwarto nang biglang umulan ng malakas. Nabasa ang kanyang ulo pero hindi ang damit niya, bumangon agad siya at kumuha ng sabon, sinabunan niya ang ulo at kinuskos.


Pumunta siya sa gripo upang magbuhos ng tubig nang magising siya ay ginaw na ginaw at takang-taka siya kung bakit basa ang kanyang ulo. Samantala, ang damit niya ay hindi man lang nabasa.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ng lola ko?


Naghihintay,

Josephine

Sa iyo, Josephine,


Ang ibig sabihin ng panaginip ng lola mo na natutulog siya nang biglang bumuhos ang malakas na ulan sa bubong, nabasa ang kanyang ulo, ay nagpapahiwatig ng kalungkutan sa kasalukuyan niyang kalagayan. May kinikimkim siyang lungkot sa puso niya. Nagpapahiwatig din ito ng gulo, maaaring makaranas siya ng kaguluhan d’yan sa inyo.


Ang bumangon siya, kumuha ng sabon, sinabon ang ulo at kinuskos niya, ay halos pareho lang din ng kahulugan. May nakaambang gulo r’yan sa inyo, pero huwag siyang masyadong mag-alala dahil ang ibig sabihin ng hindi nabasa ang damit niya ay maiiwasan niya ang nasabing kaguluhan kung mula ngayon ay mag-iingat siya sa kanyang mga kilos at pananalita. Lawakan ang pasensya at pang-unawa.


Samantala, ang bigla siyang nagising, ginaw na ginaw, ay nangangahulugang may kaibigan siyang handang tumulong sa kanya kung hihingi siya rito ng tulong. Ito rin ay nagpapahiwatig na may matatanggap siyang balita galing sa isang kakilala niya na itinuturing niyang kaibigan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page