top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Kahulugan ng magandang pakpak at balahibo ng lovebirds

BULGAR
Nov 26, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | November 26, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Josie ng Pangasinan.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na binigyan ako ng best friend ko ng lovebirds. Ang ganda-ganda ng pakpak at balahibo ng mga ito dahil parang kumikislap. Tuwang-tuwa ako, kaya agad akong bumili ng feeds para ipatuka sa kanila.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Josie



Sa iyo, Josie,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na binigyan ka ng lovebirds ng best friend mo ay pagbabago ng kasalukuyan mong kalagayan. Kung anuman ang dinaranas mo ngayon, kabaligtaran ang susunod na mangyayari.


Samantala, ang bumili ka agad ng feeds para ipatuka sa lovebirds na may magandang pakpak at balahibo, at parang kumikislap ay nagpapahiwatig na makakatanggap ka ng karangalan sa lugar n’yo. Pararangalan ka nila bilang isa sa natatanging mamamayan sa inyong lugar.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page