top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kahulugan ng magaganda’t makukulay na rosas sa hardin

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 5, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | March 5, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Moann ng Sta. Ana, Manila.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na ang gaganda ng mga rosas sa hardin ko. Nang bilangin ko, tatlo ang pink, lima ang pula, apat ang dilaw, at lima ang puti. Napuno ng kagalakan ang puso ko na para bang in love na in love ako sa lahat ng nasa paligid ko.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Moann


Sa iyo, Moann,


Napakaganda ng ibig sabihin ng panaginip mo dahil kasaganaan, kaligayahan at kapayapaan ng puso't isipan ang ipinahihiwatig nito.


Ang tatlong pink ay nagpapahiwatig na mararating mo ang tagumpay. Yayaman ka sa gitnang bahagi ng iyong buhay sa piling ng iyong pinakamamahal. Ang limang pulang rosas ay nangangahulugan naman na magiging maganda, masaya at makulay ang buhay at pag-ibig mo depende sa ugali mo.


Kung patuloy kang magiging malambing sa karelasyon mo, liligaya kayo habambuhay, pero kung totopakin ka tuwing kabilugan ng buwan, mauuwi sa paghihiwalay ang inyong pagsasama.


Ang ipinahihiwatig ng apat na dilaw na rosas ay mabilisang pagbabago tungo sa tagumpay.


Samantala, ang anim na puting rosas ay sumisimbolo ng tukso sa pag-ibig, maaari kang matukso sa iba. Ito rin ay nagpapahiwatig na iwasan ang labis na paggastos. Maaari kang maghirap sa buhay sa sobrang luho mo sa katawan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page