Kahulugan ng maduming damit at mga nalungkot na kaibigan
- BULGAR
- Sep 6, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | September 6, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Myrla ng Pampanga.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na ang dumi ng damit ko na para ba itong basahan, nalungkot ako ng husto sa nangyari.
Nakita ako ng mga friends ko, at maski sila ay nalungkot din sa nangyari sa akin, at hindi sila makapaniwala sa nakita nila.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Myrla
Sa iyo, Myrla,
Kabaliktaran ang ibig sabihin ng panaginip mo na ang dumi ng suot mong damit na para bang basahan kung titingnan, ito ay malapit ka nang yumaman, ang dating mahirap mong pamumuhay ay magbabago na.
Ang nalungkot ka dahil sa maruming damit na suot mo, ay nangangahulugang magiging masaya ka sa darating na mga araw. May mga pangyayaring magaganap sa buhay mo na magpapasaya sa iyo.
Samantala, ang nalungkot ang mga friends dahil sa suot mo, ito ay senyales na matutuwa ka ng husto dahil sa suwerteng dadating sa buhay ng mga kaibigan mo.
Gaganda ang kanilang kinalalagyan sa kasalukuyan, at magiging masaya ang pagkikita n’yong muli.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments