Kahulugan ng madilim na lugar at nagsalitang multo
- BULGAR
- Oct 30, 2021
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | October 30, 2021
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jonabel ng Cavite.
Dear Maestra,
Masyado akong nababagabag sa panaginip ko. Hindi ako mapakali dahil nakakatakot talaga at muntik na akong bangungutin, buti na lang, nagising ako agad.
Napanaginipan ko na nasa isang madilim na lugar ako, tapos takot na takot ako at biglang may nagpakitang multo. Parang may ibig sabihin sa akin ang multo, pero hindi ko naman maintindihan kaya lalo akong natakot hanggang bigla akong nagising. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Jonabel
Sa iyo, Jonabel,
Nakakatakot nga ang panaginip mo, pero huwag kang mag-alala dahil hindi naman gaanong masama ang kahulugan nito. May kaugnayan sa iyong kaibigan ang panaginip mo na nasa madilim kang lugar at kakailanganin mo ang tulong ng iyong kaibigan tungkol sa isang suliranin na gumugulo sa isip mo ngayon. Siya lang at wala nang ibang makakatulong sa iyo, kaya lapitan mo na siya agad upang gumaan ang pakiramdam mo.
Makakaasa ka na hindi ka niya bibiguin dahil tutulungan ka niya.
Gayunman, ‘yung takot na takot ka, ang ibig sabihin nito ay may nagbabalak na pabagsakin ka. Inggit na inggit siya sa iyo kaya hindi siya titigil na gumawa ng mga bagay na magpapabagsak sa kasalukuyan mong kalagayan.
Samantala, ang multo ay nagpapahiwatig na ingatan mo ang iyong relasyon sa mga kaibigan at mahal mo sa buhay. Maging mapagmasid ka sa kapaligiran at huwag masyadong magtiwala.
Ang sobrang tiwala sa kapwa ay magdadala sa iyo sa kapahamakan. Hanggang dito na lang. Sumaiyo nawa ang kapayapaan ng puso’t isipan.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna



Comments