Kahulugan ng mabigat na dala-dala at tinulungan si bff
- BULGAR
- Aug 6, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | August 6, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Renato ng Cavite.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na ang bigat ng dala-dala ko nang lumingon ako sa likod ko ay nakita kong mas mabigat ang dala-dala ng kaibigan ko.
Tinulungan ko siya at iniwan ko muna ang dala ko sa guwardiya.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Renato
Sa iyo, Renato,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na ang bigat ng dala-dala mo, ay kailangan mo munang magtrabaho ng husto bago mo makamit ang iyong minimithi. Dadaan ka muna sa matitinding pagsubok. Sa dakong huli, makakamit mo rin ang tagumpay.
Samantala, ang tinulungan mo ang iyong kaibigan na may mabigat na dala-dala, ay senyales na may lalapit sa iyong kaibigan upang humingi ng tulong. Agad mo naman siyang tutulungan at hindi mo siya matatangihan kahit na ang iyong sarili ay iyong makaligtaan.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments