Kahulugan ng maagang nagising at nag-almusal
- BULGAR
- Nov 25, 2022
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | November 25, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jerome ng Masbate.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na napaaga ang gising ko, kaya napaaga rin ang almusal ko. Agad akong nagpakulo ng tubig, pero sa halip na kape ang aking inumin ay sinubukan kong uminom ng tea. Kumain din ako ng tinapay habang umiinom ng tsaa.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Jerome
Sa iyo, Jerome,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na napaaga ka ng gising, kaya ang almusal mo ay napaaga rin ay magiging abala ka sa iyong tahanan kapiling ng iyong makukulit na anak. Gayunman, ang sinubukan mong uminom ng tsaa sa halip na kape ay nangangahulugan na may pangyayaring magdudulot sa iyo ng pag-aalala. Pero kung mag-iingat ka sa iyong mga kilos at pagpapasya, gayundin, kung gagamitin mo ang iyong isip at talino, maiiwasan mo ito.
Samantala, ang kumain ka ng tinapay habang umiinom ng tsaa ay nagpapahiwatig na maiiwasan mo ang hindi inaasahang pangyayari, kung saan pati ang mga mahal mo sa buhay ay maaaring madamay.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments