Kahulugan ng lumundag nang mataas dahil may nakaharang sa daan
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | November 11, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jerome ng Naic, Cavite.
Dear Maestra,
Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan sa oras na mabasa n’yo ang aking panaginip.
Napanaginipan ko na may nakaharang sa daraanan ko, kaya lumundag ako nang pagkataas-taas para makaiwas dito.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Jerome
Sa iyo, Jerome,
Kabaligtaran ang ibig sabihin ng panaginip mo na may nakaharang sa daraanan mo, kaya lumundag ka nang mataas para makaiwas. Ito ay nagpapahiwatig na malalagpasan mo ang lahat ng sagabal sa mga pangarap mo.
Sa pag-ibig, maraming kokontra sa iyong desisyon, pero makakamit mo kung anuman ang gusto mong mangyari. Magtatagumpay ka sa puso ng iyong minamahal.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments