Kahulugan ng langit at impyerno
- BULGAR
- Aug 4, 2024
- 1 min read
ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | August 4, 2024
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Brenda ng Masbate.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na nasa langit ako. May nakita akong mga anghel na nag-aawitan.
Noong nakaraang gabi naman, napanaginipan ko na pinakita sa akin ng matandang lalaki ‘yung impiyerno. Iba't ibang mukha ang nakita ko, at mayroong malaking tao na parang higante.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Brenda
Sa iyo, Brenda,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nasa langit ka ay magiging masaya ang buhay mo, at maliligtas ka sa anumang kaguluhan.
Ang may nakita kang anghel na nag-aawitan ay nagpapahiwatig din na magiging ligtas ka sa lahat ng uri ng kapahamakan, ito rin ay senyales na magkakaroon ka ng mga kaibigan na may mabubuting kalooban.
Samantala, ang pinakita sa iyo ng matandang lalaki ang impiyerno ay babala na may posibilidad kang malugi sa negosyo. Ang iba’t ibang mukha na nakita mo ay nangangahulugang papalitan mo na ang dati mong pinagkakakitaan. Kung namamasukan ka, mag-resign ka na, at humanap ng mas magandang trabaho na may malaking suweldo.
Ang malaking tao na nakita mo ay nangangahulugan na makakaranas ka ng mga sagabal sa daraanan mo na halos maubos ang lakas mo para malampasan ito.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments