Kahulugan ng langit at impiyerno
- BULGAR
- Jun 10, 2024
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | June 10, 2024
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Joseph ng Cabanatuan, Nueva Ecija.
Dear Maestra,
Madalas kong mapanaginipan ang tungkol sa kabilang buhay.
Napanaginipan ko na pinakita umano sa akin ng isang matandang lalaki ang hitsura ng impiyerno na kung saan pinaparusahan ang mga taong nakagawa ng kasalanan.
Samantala, pinakita niya rin sa akin ang langit na kung saan napupunta ang mga taong mababait.
Ano kaya ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Joseph
Sa iyo, Joseph,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na pinakita sa iyo ang hitsura ng impiyerno na kung saan dinadala ang mga makasalanan ay pagdurusa at kapighatian. Ito rin ay nangangahulugan ng pagkalugi sa negosyo, maba-bankrupt ang negosyo mo at tuluyan kang maghihirap sa buhay.
Ang langit naman na siyang hantungan ng mga taong may malinis na kalooban ay senyales ng kaligayahan at kaginhawaan sa buhay. Ibig sabihin, paikut-ikot lang ang buhay mo. May panahong hirap na hirap ka at pagkatapos naman ay mapapalitan ito ng kaligayahan, pagpapala at sunud-sunod na grasya.
Comments