ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | January 5, 2024
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Sheila ng Tondo.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na nananahi ako ng damit, nang biglang may lumipad na langaw sa tabi ko, at umikut-ikot sa akin. Nataranta ako, kung kaya’t napatid ang sinulid at nagkabuhul-buhol din.Â
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
SheilaÂ
Sa iyo, Sheila,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nananahi ka ng damit ay mag-ingat ka sa mga kaibigan mo. Idadamay ka nila sa intriga. Dahil dito, hindi magiging maganda ang tingin sa iyo ng mga tao. Ang napatid ang sinulid na gamit mo sa pananahi ay nagpapahiwatig na magkakaproblema ka sa pera, pero hindi rin naman ito magtatagal. Ang nagkabuhul-buhol ang sinulid ay nangangahulugan na maski ang lovelife mo ay magkakaroon rin ng problema.Â
Samantala, ang may lumipad na langaw sa tabi mo, at nagpaikut-ikot ay nagpapahiwatig na makakaranas ka ng pagkainis at pagkabagot sa mga gawaing gusto mong tapusin. Mawawalan ka ng pasensya. Maiinip ka sa resulta ng iyong mga pinagkakaabalahan sa kasalukuyan. Tiyaga at pasensya ang dapat mong ipatupad, ganyan talaga ang buhay. ‘Pag may tiyaga, may nilaga.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna
Comments