Kahulugan ng lace, linen na puti at iba’t ibang kulay
- BULGAR
- Dec 22, 2022
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | December 22, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rudy ng Masbate.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na nakasuot ng lace ang dyowa ko. Pati ako ay binigyan niya ng t-shirt na ang tela ay lace rin. Pinasuot niya ito sa akin, tapos mayroon din siyang biniling damit na linen. May kulay puti at iba’t ibang kulay, tapos ‘yung iba ay lukot na lukot.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Rudy
Sa iyo, Rudy,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nakasuot ng lace ang dyowa mo ay gusto niya ng masaganang buhay, may mamahaling kasangkapan at naggagandahang sala set, silya atbp. Ang binigyan ka niya ng t-shirt na lace rin ang tela at ipinasuot sa iyo ay nangangahulugan na makakaranas ka ng layaw sa buhay. Masusunod ang mga luho mo sa katawan at mabibili mo ang lahat ng gusto mong bilhin.
Samantala, ang damit na linen at kulay puti ay nagpapahiwatig na may matatanggap kang nakakagulat na magandang balita. Ang iba’t ibang kulay naman ay nangangahulugan na may mamanahin kang malaking halaga.
Habang ang lukot na linen ay kabiguan ang ipinahihiwatig. Nangangahulugan ito na paikot-ikot lang ang buhay, kumbaga, hindi lahat ng araw ay kasaganaan at tagumpay. May panahon din na makakaranas ka ng pagkabigo sa mga gusto mong makamit.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments