top of page

Kahulugan ng kumain ng melon

  • BULGAR
  • Dec 5, 2022
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | December 5, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jean ng Bulacan.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na gutom na gutom ako, buti na lang, nakakita ako ng melon sa fruit tray at ‘yun ang kinain ko.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Jean



Sa iyo, Jean,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na gutom na gutom ka ay makakamit mo ang gusto mong marating. Magtatagumpay ka sa iyong mga pangarap dahil sa sarili mong pagsisikap. Kung may karelasyon ka na, mag-a-abroad muna siya upang magtrabaho at sa pagbabalik niya, saka pa lang kayo magpapakasal.


Samantala, ang melon na nakita mo sa fruit tray at kinain mo para lunasan ang iyong gutom ay nagpapahiwatig na posible kang mag-travel sa ibang bansa. Kung wala ka pang asawa sa kasalukuyan, posibleng makapag-asawa ka nang hindi mo inaasahan. Liligaya kayo at magsasama hanggang sa wakas ng inyong buhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page