top of page

Kahulugan ng kulog at kidlat

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 4, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | July 4, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jerry ng Pampanga.


Dear Maestra,


Magandang buhay! Gustung-gusto ko ang column niyo. Kaya lang ay ‘di ako nakakapagbasa araw-araw, nauubusan kasi ako lagi ng kopya, dahil mabiling-mabili ang Bulgar dito sa lugar namin. Kaya ang ginagawa ko ay gumigising ako ng maaga para pumunta sa bayan upang makapagbasa ng Bulgar.


Napanaginipan ko na kinuha ko ang telescope para silipin ang nagbabantang kulog at kidlat.


Natakot ako dahil biglang lumakas ang kulog at gumuhit ang nakakasilaw na kidlat sa langit.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Jerry


Sa iyo, Jerry,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na kinuha mo ang telescope para silipin ang nagbabantang kulog at kidlat, ay makakatanggap ka ng balita mula sa malayong lugar.


Ito ay magdudulot ng malaking pagbabago sa buhay mo.


Ang natakot ka ay nagpapahiwatig na may naiinggit sa iyo. Gagawin niya ang lahat upang pabagsakin ka.


Samantala, ang biglang lumakas ang kulog at gumuhit ang nakakasilaw na kidlat sa langit ay nangangahulugang malalagay ka sa gipit na sitwasyon ngunit huwag kang mabahala, dahil hindi magtatagumpay ang mga naghahangad sa iyo ng hindi maganda.


Magagapi mo sila at ikaw ang magwawagi.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page