Kahulugan ng kinalmot ng mga kuting
- BULGAR
- Nov 3, 2021
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | November 3, 2021
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Celso ng La Union.
Dear Maestra,
Palagi akong nananaginip ng mga kuting. Andaming anak ng pusa namin na iba’t ibang kulay, may puti, itim at brown. Nilaro ko ‘yung mga kuting at natuwa ako, tapos isa-isa ko silang kinarga at bigla akong kinalmot ng mga ito. Pinagtulungan nila akong kalmutin hanggang sa nagkasugat-sugat na ako, tapos bigla akong nagising. Ano ang ibig sabihin nito?
Naghihintay,
Celso
Sa iyo, Celso,
Ang panaginip mo ay may kaugnayam sa mga mahal mo sa buhay, lalo na sa iyong asawa.
Makitid ang kanyang pang-unawa at mahirap tumanggap ng kamalian dahil palaging siya ang tama. Dahil d’yan, ang pagsasama ninyo bilang mag-asawa ay palaging nauuwi sa pagtatalo at hindi pagkakaunawaan, gayundin sa iba mo pang mahal sa buhay kung saan madalas ay hindi ka nila maunawaan dahil palagi ka nilang hinahanapan ng butas.
Gayundin, palagi silang may sinasabi sa mga kilos mo kahit maganda naman ang pakikitungo mo sa kanila.
Dahil dito, lawakan mo pa ang iyong pasensiya dahil sadyang ganyan ang buhay. Maraming kontrabida sa kabila ng iyong pagsisikap na pakitaan sila ng mabuti.
Tiis-tiis lang at huwag mo silang patulan, kumbaga, huwag kang bumaba sa level nila. Sa halip, maging maunawain at mapagpasensiya ka. Hindi magtatagal, gagantimpalaan ka ng langit sa pagiging maunawain at pasensiyoso mo. Ang ganyang ugali ang kinalulugdan ng Diyos, kaya tatanggap ka ng gantimpala mula sa langit. Pagpapalain ka at giginhawa ang iyong buhay balang-araw.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments