top of page

Kahulugan ng kinagat ng langgam

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 23, 2021
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | December 23, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni July ng Batangas.


Dear Maestra,


Merry Christmas sa inyo at sa inyong mga mahal sa buhay.


Napanaginipan ko na naglalakad ako sa ilalim ng memorial arch nang biglang kinagat ako ng langgam, tapos masakit at makati ang kagat nito. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?



Naghihintay,


July


Sa iyo, July,


Ang ibig sabihin ng naglalakad ka sa ilalim ng memorial arch ay babala ng mga kabiguan na maaari mong sapitin kung patuloy kang magpapadalos-dalos sa buhay.


Kaya hinay-hinay lang, mag-isip ka muna ng pitong beses bago pumasok sa isang deal, lalo na kung may kaugnayan ito sa negosyo.


Samantala, ‘yun namang nakagat ka ng langgam ay nagpapahiwatig na kailangang magtrabaho ka nang dibdiban, buong tiyaga at kasipagan para makamit ang inaasahan mong tagumpay. Ito rin ay nangangahulugan na daranas ka ng mabibigat na alalahanin at pagkabahala sa buhay.



Matapat na sumasaiyo,


Maestra Estrellia De Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page