top of page
WINNER - MAGULANG NI VINCENT, GALIT NA GALIT NA ITINAGO SA KANILA ANG KASAL KAY BEA-FB Nan

Kahulugan ng kape at tinapay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 21, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | September 21, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jonna ng Tayabas, Quezon.

Dear Maestra,


Mag-isa lang ako rito sa condo, at madalas akong managinip tungkol sa kape at tinapay, 'yun umano ang lagi kong inaalmusal.


Madalas ay dinadalaw ako ng bestfriend ko, tinitimplahan ko siya ng kape, at sabay namin itong iniinom.


Ano ang ibig ipahiwatig nito?

Naghihintay,

Jonna

Sa iyo, Jonna,


Maganda ang ibig ipahiwatig ng panaginip mo na umiinom ka ng kape, liligaya at magiging payapa na ang iyong isipan sa susunod na mga araw. Matatapos na ang problemang gumugulo sa isipan mo. Kaya lang pansamantala lamang iyon dahil kabaligtaran naman ang ipinahihiwatig ng dinalaw ka ng kaibigan mo, tinimplahan mo siya ng kape, at sabay n’yo itong ininom, ito ay senyales na dapat kang mag-ingat sa iyong kaibigan dahil siya mismo ang magiging hadlang upang ‘di ka lumigaya.


Samantala, ang tinapay ay nagpapahiwatig na malalampasan mo rin ang mga hindi magagandang pangyayaring dumarating sa buhay mo, manatili kang alerto at talasan mo ang iyong pakiramdam.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page