top of page

Kahulugan ng kahol ng aso at galit na baka

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 7, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | August 7, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jonathan ng Zambales.

Dear Maestra,


Napanaginipan ko na kahol nang kahol ‘yung alaga kong bulldog. Tiningnan ko kung bakit, ‘yun pala ay may nakikita siyang baka na nakapasok sa aming bakuran. Galit na galit ‘yung baka at bigla akong hinabol.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Jonathan

Sa iyo, Jonathan,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na kahol nang kahol ‘yung alaga mong bulldog, ay may kaibigan ka na akala mo ay hindi mapagkakatiwalaan pero siya pa pala ‘yung pinakamatapat sa iyo. Handa siyang tulungan ka sa oras ng kagipitan at maaasahan mo rin siya sa lahat ng bagay.


Samantala, ang may nakapasok na baka sa bakuran n’yo at galit na galit sa iyo, ay babala na may darating na gulo sa buhay mo. Masasangkot ka sa isang kaguluhang hindi mo inaasahan.


Ang hinabol ka ng baka, ay nagpapahiwatig na malapit ng dumating ang gulo pero lilipas din agad ito.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page