top of page

Kahulugan ng iyak, na-late at sirang orasan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 4, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | June 4, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Robert ng Pasig.

Dear Maestra,


Nawa’y lagi kayong masaya sa piling ng inyong pamilya.


Napanaginipan ko na iyak ako nang iyak dahil late na ako sa pupuntahan kong event, ngunit nang pagtingin ko sa dingding namin ay nakita ko ang orasan, laking pagtataka ko dahil may mali, nang ako’y mahimasmasan ay aking napagtanto na sira pala ito.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Robert

Sa iyo, Robert,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na iyak ka nang iyak dahil late ka na sa pupuntahan mong event, ito ay kaligayahan, magiging masaya ka sa darating na mga araw. At mag-e-enjoy ka ng husto sa dadaluhan mong event.


Samantala, ang tiningnan mo ang orasan sa dingding at nagtaka ka dahil mali ang oras nito ay nagpapahiwatig na magtatagumpay ka sa iyong negosyo. Magiging maligaya ka rin sa buhay may asawa subalit sa umpisa lang ito.


Bagama’t sa bandang huli ay mababaligtad ang mga pangyayari, dahil ayon sa iyong panaginip na sirang orasan, ay senyales na lahat ng tinatamasa mong kaligayahan at kasaganaan ay may katapusan.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page