top of page

Kahulugan ng iba’t ibang kulay ng ahas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 9, 2023
  • 2 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | March 9, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Kevin ng Tarlac.


Dear Maestra,


Bigla akong nagising dahil sa aking panaginip na itim na ahas. Hindi ito ang una dahil minsan ay nanananginip ako ng puti at green na ahas.


Sa aking panaginip, may kasama ako at naglalakad kami, tapos may nakita akong itim na ahas na kumakain ng pagong. Tinanong ko ‘yung kasama ko kung paano kinain ng ahas ‘yung pagong, at kung hindi man lang ba nasugatan ‘yung ahas dahil malaki ‘yung pagong tapos gumagalaw pa ito sa loob ng ahas. At ang pagkakatanda ko ay halos kasing laki ng braso ko ‘yung ahas.


Ano ang kahulugan ng panaginip ko?

Naghihintay,

Kevin


Sa iyo, Kevin,


Ang ahas ay sumisimbolo ng kaaway. May mga lihim kang kaaway at sobrang inggit sila sa ‘yo. Ang puti ay nagkukunwaring banal o sobrang madasalin, pero kunwari lang ‘yun.


Madumi rin ang budhi niya at may kinikimkim na galit sa puso. Ang kulay itim ay kabaligtaran ang kahulugan, masayahin siya at mababang loob, pero inggitera. Habang ang berde ay mukhang pera, mahilig sa luho at materyal na mga bagay, kumbaga, more on material than spiritual.


Samantala, ang may kasama kang naglalakad at may nakita kang ahas na kinain ‘yung pagong ay nagpapahiwatig na nand’yan lang sa paligid ang lihim mong kaaway. Palagi mo siyang kasama kapag may lakad kayo. Gayunman, huwag kang mag-alala dahil anuman ang iniisip niyang hindi maganda laban sa iyo ay hindi mangyayari dahil kayang-kaya mo siyang talunin sa pamamagitan ng matinding pagdarasal.


Sumasaiyo ang banal na Espiritu, kaya hindi ka dapat mangamba. Protektado ka ng Diyos Ama sa langit.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


1 Comment


Raymond Loren
Raymond Loren
Jun 23, 2024

Ano PO ang ibig Sabihin kapag nanaginip ka Ng sawa na kulay itim at brown color combination? At tinuklaw ang aking Asawa sa may hita PO niya , sa panaginip ko PO Kase medyo magulo sya ,sa panaginip ko may Nakita Akong Isang kulay green na igat ,Sawa na kulay brown at itim at daga .. Diko PO maintindihan bakit may mga ganung hayop sa panaginip ko ,Sana PO masagot PO . Salamat

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page