Kahulugan ng iba't ibang klase ng prutas
- BULGAR
- Jul 13, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | July 13, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Glenda ng Cavite.
Dear Maestra,
Hello sa inyo r'yan sa Bulgar. Kumusta kayo?
Nawa'y nasa mabuti kayong kalagayan. Napanaginipan ko na namasyal ako sa isang magandang halamanan. Namitas ako ng iba't ibang klase ng prutas nang 'di ko sinasadyang makita 'yung kaaway ko. Lumapit siya sa akin, ang akala ko ay aawayin niya nanaman ako, 'yun pala ay makikipagbati na siya.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko ?
Naghihintay,
Glenda
Sa iyo, Glenda,
Maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo na namasyal ka sa halamanan, namitas ka ng iba't ibang klase ng prutas. Ito ay may mamanahin kang malaking halaga, kasama ka sa pamamanahan ng mahal mo sa buhay na yumao.
Kung berde ang kulay ng prutas na pinitas mo, malapit mo nang mahawakan ang perang mamanahin mo.
Samantala, ang 'di mo sinadyang nakita mo ro'n ang kaaway mo, akala mo ay aawayin ka, 'yun pala ay makikipagbati sa iyo. Ito ay nangangahulugang malalagpasan mo ang mga bagay na humahadlang upang makamit mo ang tagumpay. Liligaya at uunlad ka ang iyong buhay.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments