Kahulugan ng iba’t ibang klase ng damit
- BULGAR
- Mar 28, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | March 28, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Veronica ng Pasig City.
Dear Maestra,
Shoutout sa mga staff ng BULGAR, gayundin sa inyong buong pamilya.
Madalas akong managinip ng iba't ibang klase ng damit, mahilig kasi akong bumili ng ukay-ukay kaya siguro puro damit ang napapanaginipan ko.
Ano ang ibig ipahiwatig ng panaginip ko?
Naghihintay,
Veronica
Sa iyo, Veronica,
Depende sa damit ang ibig ipahiwatig ng panaginip mo. Kung bagong damit ang napanaginipan mo, ito ay nangangahulugan na puro kahirapan ang daranasin mo sa buhay. Maghihirap ka sa kabila ng iyong pagsisikap.
Kung lumang damit naman ang iyong napanginapan, kabaliktaran ang pahiwatig nito, lalo na kung ito ay punit-punit at parang basahan. Ito ay nagpapahiwatig na balang-araw, ikaw ay papalarin sa buhay at magiging mayaman.
Samantala, kung sa panaginip mo ay nananahi ka ng damit, ito ay nangangahulugang magsisilang ka ng malusog na sanggol.
Matapat na sumasaiyo,
Maetra Estrellia de Luna




Comments