Kahulugan ng hinabol ng kuneho at kambing
- BULGAR
- Apr 18, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | April 18, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Deogracias ng Bataan.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na nasa bukid ako, tapos may mga kuneho sa bukid at hinabol ako ng mga ito. Naunahan ako ng mga kuneho, tapos maya-maya ay mga kambing naman ang nakita ko.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Deogracias
Sa iyo, Deogracias,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na hinabol ka ng mga kuneho ay napapaligiran ka ng mga kaaway, pero kayang-kaya mo itong iwasan kung magiging maingat ka sa lahat ng sandali. Ang naunahan ka ng mga kunehong humahabol sa iyo ay nangangahulugang nagbabalak ang mga kaibigan mong bisitahin ka sa lalong madaling panahon.
Samantala, ang maya-maya ay kambing naman ang nakita mo, ito ay nagpapahiwatig na hindi titigil ang mga kaaway mo hangga’t hindi ka napapabagsak. Subalit kung magiging matapang ka, malakas ang loob, taas-noo at hindi nagpapakita ng pagiging duwag, magagapi mo sila. Hindi sila magtatagumpay sa masama nilang binabalak.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna


Comments