Kahulugan ng higante, kulog at kidlat
- BULGAR
- Sep 1, 2021
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | September 01, 2021
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Leony ng Cavite.
Dear Maestra,
Labis akong nag-aalala sa panaginip ko dahil nakakatakot at muntik na akong bangungutin. Napanaginipan ko na nasa isang liblib na pook ako, tapos may nakita akong higante na papunta sa akin kaya tumakbo ako para makaiwas. Biglang kumulog at kumidlat, tapos nagdilim ang buong paligid. Maya-maya, may multo naman na biglang lumitaw sa harapan ko, kaya lalo akong natakot. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Leony
Sa iyo, Leony,
Ang ibig sabihin ng higante sa panaginip mo ay mga hadlang o sagabal sa buhay mo na nakatakda mong danasin sa susunod na mga araw. Ibig sabihin, makakaranas ka ng matinding pag-aalala na halos hindi ka mapakali kung paano mo ito lulunasan.
Ang kulog at kidlat naman ay nangangahulugan na maiipit ka sa isang magulong sitwasyon kung saan halos hindi mo alam ang gagawin para solusyunan ito. Gayunman, kung ang kulog at kidlat ay hindi kalayuan sa iyo at dinig na dinig mo ang lakas, nagpapahiwatig ito na malulutas mo ang problemang napasukan mo, gayundin, pati mga kaaway mo ay magagapi mo. Hindi sila magtatagumpay sa anumang masamang binabalak nilang gawin laban sa iyo.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna
Comments