top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Kahulugan ng helper at naging school head

BULGAR
Dec 18, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | December 18, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Oscar ng Taguig City.


Dear Maestra,


Magandang araw sa inyo.


Napanaginipan ko na ako ay naging katulong sa school, pero dahil sa sipag at tiyaga ko, gayundin, dahil college graduate ako, na-promote ako bilang head of the school ng pinaglilingkuran kong paaralan.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Oscar



Sa iyo, Oscar,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na naging katulong ka sa school ay may makikilala kang tao na may mataas na pinag-aralan at kinikilala sa lipunan na kanyang ginagalawan. Malaki ang maitutulong niya sa iyo upang umunlad ka sa buhay dahil mayaman din ang taong ito at likas na matulungin sa mahihirap.


Samantala, ang ibig sabihin ng naging head ka ng paaralan na iyong pinaglilingkuran ay mayroong hindi inaasahang pangyayari na darating sa iyong buhay. Dahil d’yan, mababaligtad ang sitwasyon, kumbaga, pera na pero naging bato pa. Humanda ka sa anumang biglaang pagbabago sa buhay mo.


Matapat na sumasaiyo

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page