top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Kahulugan ng gutom na gutom at uminom ng tubig na may honey

BULGAR
Nov 8, 2022
2 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | November 8, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lorna ng Sta. Cruz, Manila.

Dear Maestra,


Napanaginipan ko na gutom na gutom ako, tapos nay nakita akong honey sa kusina at ‘yun ang pinanglunas ko sa gutom. Kumuha ako ng isang baso ng mainit na tubig at nilagyan ko ng dalawang kutsarang honey, at nawala naman ang gutom ko.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Lorna


Sa iyo, Lorna,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na gutom na gutom ka ay magtatagumpay ka sa iyong career. Yayaman ka at kikilalanin sa inyong lugar dahil sa iyong karunungan at pagsusumikap sa buhay.


Kung may karelasyon ka na, ‘yan ay nangangahulugan na magta-travel siya o magtatrabaho sa ibang bansa. Matatagalan pa bago siya bumalik upang pakasalan ka.


Samantala, ang nakakita ka ng honey sa kusina at ‘yun ang naging lunas sa gutom mo, ito ay nangangahulugan na magkakaroon ka ng sweet and happy love life, kung saan maaaring matuloy sa kasalan, depende sa lalim at tamis ng pagmamahalan n’yo ng karelasyon mo. Gayundin, ito ay nagpapahiwatig ng unti-unting pag-unlad ng negosyo mo hanggang sa tuluyan na itong lumago at kumita ng malaki.


Ang isang baso ng tubig na pinatakan mo ng honey ay nangangahulugan na sisikat ka at kikilalanin sa inyong lugar. Nagpapahiwatig din ito na dapat kang mag-ipon dahil posibleng maubos ang pera mo dahil sa pagtulong sa kapwa. Matatagpuan mo ang iyong sarili na magsisimula na nama at walang-wala.


Ang dalawang kutsarang honey naman na inilagay mo sa mainit na tubig na iinumin mo ay nagpapahiwatig na pabago-bago ang isip mo sa pagdedesisyon. Kumbaga, mabilis kang magpalit ng pasya. Dahil d’yan, ipinapayo ko sa iyo na kung ano ang una mong maisip, ‘yun na mismo ang dapat mong ipatupad. Guided ka ng holy spirit sa una mong desisyon at kapag binago mo, hindi na magiging maganda ang resulta.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page