top of page

Kahulugan ng gumamit ng uling at nakapaa habang sumasayaw

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 23, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | March 23, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lita ng Caloocan City.


Dear Maestra,


Nawa’y palagi kayong nasa mabuting kalagayan, gayundin ang mga mahal n’yo sa buhay at mga kasamahan n’yo sa BULGAR.


Napanaginipan ko na nasa kusina ako, tapos gusto kong magluto, pero naubusan ng gasul, kaya uling na lang ang ginamit ko. Habang nagluluto ako, nagsasayaw ako at wala akong sapin sa paa habang nagsasayaw.


Ano ang ibig sahihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Lita


Sa iyo, Lita,


Ang ibig sabihin ng nasa kusina ka para magluto ay dadalo ka sa isang pagtitipon kasama ang barkada mo. Magiging masaya ang nasabing pagtitipon, kung saan may love match na gagawin ang iyong barkada.


Ang naubos ang gasul, kaya uling ang ginamit mo ay nangangahulugan na maraming naghihintay na trabaho sa iyo. Gayundin, kikita ka ng malaki sa mga trabahong ito at mabilis kang yayaman.


Samantala, ang nagsasayaw ka habang nagluluto ay nangangahulugang susuwertehin ka sa darating na mga araw. Ang wala kang sapin sa paa habang nagsasayaw ay nagpapahiwatig na napakataas ng mga pangarap mo sa buhay, ngunit maaari kang mabigo sa pinapangarap mo dahil sa sobrang taas nito.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page