top of page

Kahulugan ng garden, magandang rosas at pugad ng ibon

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 21, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | July 21, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Loreta ng Ilocos Sur.

Dear Maestra,


Magandang araw sa inyo r’yan sa Bulgar.


Napanaginipan ko na nagpunta ko sa garden namin. Ang ganda ng mga rosas sa paligid, at may nakita akong pugad ng ibon sa damuhan.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Loreta

Sa iyo, Loreta,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagpunta ka sa garden, ang ganda ng mga rosas ay kaligayahan, kasaganaan at kaunlaran. Sasagana na ang buhay mo, yayaman ka na at magiging tigib ng ligaya ang pang-araw-araw mong pamumuhay. Magtatagumpay ka rin sa bagong negosyong papasukin mo.


Samantala, ang ibig sabihin ng may nakita kang pugad ng ibon sa damuhan ay malapit ka ng ikasal. Nakatakda kang ikasal sa lalaking iyong napupusuan. Magiging maligaya ang pagsasama n’yo at bibiyayaan kayo ng matatalino at mababait na mga supling.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page