top of page

Kahulugan ng galit sa utol dahil sinisiraan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 2, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | March 2, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Dolores ng Masbate.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na galit na galit ako sa bunso kong kapatid dahil sinisiraan niya ako sa mga kaibigan ko. Paniwalang-paniwala ang mga kaibigan ko sa kanya, kaya pati sila ay inis na inis at nagbago ang pagtingin nila sa akin.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Dolores


Sa iyo, Dolores,


Kabaligtaran ang ibig sabihin ng panaginip mo dahil ito ay nangangahulugan na ang labis na nagmamahal sa iyo at laging nag-iisip ng mga bagay na makabubuti sa iyo ay walang iba kundi ang bunso mong kapatid. Alam na alam niya kasi ang sakripisyong ginawa mo sa kanya bilang ate niya noong siya ay bata pa. Tinatanaw niya na malaking utang na loob sa iyo ang mga bagay na ‘yun.


Gayundin, ang mga nakita mong kaibigan na inis na inis sa iyo dahil pinaniwalaan nila ang paninira ng bunso mong kapatid ay sila mismo ang maaasahan mo sa sandali ng kagipitan. Handa silang tulungan ka anumang oras na lapitan mo sila.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page