top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kahulugan ng daga at kuneho

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 14, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | September 14, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Romy ng Taguig.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na galit na galit ako sa kapatid ko dahil ang daming daga sa kwarto niya, burara at ang daming abubot du’n. May alaga rin siyang rabbit, pinakawalan ko ito, nang bigla ako nitong lundagan.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Romy


Sa iyo, Romy,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na galit na galit ka sa kapatid mo, ay mahal na mahal ka niya. Handa siyang tumulong at umalalay sa iyo habambuhay.


Ang may nakita kang mga daga sa kwarto niya dahil sa dami ng abubot du’n, ito ay nangangahulugang masasangkot ka sa isang gulo dahil sa mga kaibigan mo na kunwari ay tapat sa iyo, pero may lihim palang inggit sa iyo. Matagal na silang may pinaplano upang pabagsakin ka, ito rin ay nagpapahiwatig na may manghihimasok sa lovelife mo, guguluhin niya ang magandang relasyon n’yo ng dyowa mo.


Samantala, ang pinakawalan mo sa kulungan ang alagang rabbit ng kapatid mo, ito ay babala na napapalibutan ka ng iyong mga kaaway, subalit maiiwasan mo sila kung palagi kang mag-iingat.


Ang nilundag ka ng rabbit, ay senyales na may dadalaw sa iyong kaibigan sa darating na mga araw. Magugulat ka na lang dahil hindi mo inaasahan na magkikita pala kayong muli.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page