top of page
BIDA - “NOT TODAY SATAN” TOTE BAG NA IFINLEX NI DENNIS, SOLD OUT KAHIT MAHAL_IG _dennistri

Kahulugan ng camping at nag-bonfire kasama ang mga tropa

BULGAR
May 21, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | May 21, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rebecca ng Taguig.


Dear Maestra,


Isa ako sa marami n’yong tagasubaybay. Hanga ako sa mga interpretasyon n’yo ng kahulugan ng mga panaginip. Gusto kong malaman ang ibig sabihin ng panaginip ko kagabi.


Napanaginipan ko na nag-camping kami ng barkada ko, tapos gumawa kami ng bonfire pagsapit ng gabi. Pinainitan ko ang mga kamay ko sa bonfire dahil nanginginig na ang mga daliri ko sa lamig.


Ano ang kahulugan ng panaginip ko?


Naghihintay,

Rebecca



Sa iyo, Rebecca,


Maganda ang ibig sabihin ng panaginip mo na gumawa kayo ng bonfire ng barkada mo dahil ito ay nangangahulugan na magiging matagumpay ka sa iyong mga plano, kung saan sasang-ayon sa iyo ang kapalaran. Positibo ang magiging resulta ng mga plano mo sa darating na mga araw.


Samantala, ang ibig sabihin ng pinainitan mo ang kamay mo sa bonfire dahil nanginginig na ang mga daliri mo sa lamig, ito ay nagpapahiwatig na makakakita ka ng magandang trabaho na magbibigay sa iyo ng malaking suweldo at giginhawa na ang buhay mo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page