top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kahulugan ng bumili ng dyaryo at nanalo sa Lotto ng ₱250M

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 23, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | June 23, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Vincent ng Bataan

Dear Maestra,


Magandang buhay sa inyo r’yan. Isa ako sa tagasubaybay ng column niyo.


Napanaginapan ko na bumili raw ako ng Bulgar na dyaryo. Unang-una kong tiningnan ay ang resulta ng lotto. Laking gulat ko dahil tumama ‘yung numerong tinayaan ko.


Napakasuwerte ko dahil nag-iisa lang akong winner ng napakalaking jackpot, at ito ay nagkakahalaga ng ₱250M.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Vincent

Sa iyo, Vincent,


Ang kahulugan ng panaginip mo na napakasuwerte mo dahil tinamaan mo ang jackpot sa lotto, ito ay nagpapahiwatig ng pagkabigo sa mga plano mo sa buhay. Maging maingat ka sa iyong pagpapasya. Gamitin ang iyong isip at talino. Huwag pairalin ang damdamin.


Ang tumama ka sa lotto ay pahiwatig na dapat kang mag-ingat sa mga kadeal mo sa negosyo.


May posibilidad na traydurin at dayain ka nila sa negosyo. Sasamantalahin nila ang kabaitan at pagiging maluwag mo sa pera. Maging ang iyong pamilya ay madadamay sa binabalak nilang panloloko sa iyo. Talasan ang isip at pakiramdam upang ‘di malinlang.


Samantala, ang ₱250M ay sign na pabago-bago ang isip mo. Madali kang magpalit ng desisyon.


Ang bilang na ito ay senyales na mahina ka sa decision making. Maging wais sa pagpapasya upang masagap mo ang magandang resulta.


Matapat na sumasaiyo Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page