Kahulugan ng bumaha at matinding sikat ng araw
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | November 23, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rolando ng Imus, Cavite.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na bumaha sa amin, tapos kinabahan ako dahil baka tumaas pa ang baha at pasukin na ang bahay namin. Buti na lang, kinabukasan ay sumikat nang matindi ang araw hanggang sa tuluyan nang nawala ang baha.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Rolando
Sa iyo, Rolando,
Maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo na bumaha sa lugar n’yo dahil ito ay nangangahulugan na ang lahat ng personal mong pasanin sa buhay ay matatapos na, kung saan bubuti na ang kalagayan mo, gayundin ang iyong buong pamilya.
Samantala, ang ibig sabihin ng sumikat nang matindi ang araw kinabukasan at tuluyan nang nawala ang baha ay tagumpay sa pinansyal na aspeto at pati ang iyong pakikipagrelasyon sa dyowa mo ay magiging matagumpay at punumpuno ng kaligayahan.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments