top of page

Kahulugan ng bumagsak habang paakyat ng hagdan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 5, 2021
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | August 05, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Ben ng Makati City.


Dear Maestra,

Isa ako sa masugit na tagasubaybay ng iyong kolum. Negosyante ako at maraming tao ang nakikilala ko sa aking pagnenegosyo ng iba’t ibang produkto.

Napanaginipan ko na umaakyat ako sa mataas na hagdan. Pagdating sa kalagitnaan, nahilo ako at bumagsak. Ano ang ibig sabihin nito?


Naghihintay,

Ben


Sa iyo, Ben,

Natutuwa ako at isa ka sa mga tagasubaybay ng column ko.


Ang panaginip mo na umaakyat ka ng hagdan ay nagpapahiwatig na maganda ang tingin sa iyo ng mga tao. Isa ka sa tinitingala sa lipunang iyong ginagalawan dahil isa ka sa itinuturing nilang pinakamayaman sa lugar ninyo.


Gayunman, sabi mo ay nahilo ka habang umaakyat sa hagdan, ito ay nagsasabing mahihirapan kang i-adjust ang sarili mo sa mga papuri at pagtitiwala ng mga tao sa iyong paligid dahil masyadong mataas ang tingin nila sa iyo. Sa totoo lang, hindi naman ganu’n kayaman ang kalagayan mo gaya ng iniisip nila. Dahil d’yan, mas gugustuhin mo pa na simpleng buhay lang. Mas panatag ang iyong isipan dahil simple lang din ang mga suliranin at kayang-kaya mo itong lutasin.


Ang bumagsak ka habang umaakyat sa hagdan, nangangahulugan ito ng pagkabigo sa kasalukuyan mong mga pangarap sa buhay. Huwag kang masyadong malungkot kung hindi mo makamit agad ang iyong mga pangarap dahil hindi ‘yan nakukuha nang apurahan. Hinay-hinay lang, ‘ika nga, slowly but surely.


Sumaiyo nawa ang mga pagpapala ng Dakilang Lumikha. Mag-ingat palagi.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page