Kahulugan ng bulalakaw, iyak ng uwak at pagkuha ng baril
- BULGAR
- Mar 7, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | March 7, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Tessie ng Aklan.
Dear Maestra,
Madalas akong sumangguni sa inyo tungkol sa mga panaginip ko dahil natutuwa ako sa pag-aanalisa n’yo.
Napanaginipan ko na nakakita ako ng bulalakaw sa langit, tapos may narinig akong iyak ng uwak. Kinilabutan at kinabahan ako, pero nilakasan ko ang aking loob. Kinuha ko ang baril ko at binaril ang uwak hanggang sa mapatay ito.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Tessie
Sa iyo, Tessie,
Ang panaginip mo na nakakita ka ng bulalakaw sa langit ay babala na nanganganib ang mga bansa sa mundo. Maaaring magkaroon ng global war kung paiiralin ng bawat bansa ang pagmamataas at paghahari-harian sa kalapit nilang bansa.
Samantala, ang uwak na narinig mong umiyak ay nagpapahiwatig na may lihim kang kaaway.
Sobrang inggit siya sa iyo at may posibilidad na saktan ka niya, kaya dapat na maging matalas ang pakiramdam mo, at ibayong pag-iingat ang iyong kailangan.
Ang binaril hanggang sa mapatay mo ang uwak ay nagpapahiwatig na matatalo ang kaaway mo. Hindi niya na itutuloy ang masama niyang binabalak.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments