Kahulugan ng binigyan ng lily at hinalikan sa pisngi
- BULGAR
- Dec 14, 2022
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | December 14, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Diosa ng Cotabato.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na nagkita kami ng chatmate ko sa isang park, tapos may dala siyang bulaklak na lily. Inabot niya sa akin ‘yung bulaklak sabay halik sa pisngi ko, tapos naglakad-lakad kami sa paligid ng park.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Diosa
Sa iyo, Diosa,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagkita kayo ng chatmate mo sa park ay wagas at tapat ang pag-ibig niya sa iyo. Ang naglakad kayo sa paligid ng park ay nangangahulugan ng tagumpay sa negosyo, kasaganaan, kaligayahan at kalusugan ng katawan. Habang ang bulaklak ng lily na inabot niya sa iyo ay nagpapahiwatig na magiging successful ang pagmamahalan n’yo at maaaring mauwi sa kasalan.
Samantala, ang ibig sabihin ng hinalikan ka niya ay tunay at wagas ang pag-ibig niya sa iyo at walang halong pagkukunwari.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments