Kahulugan ng binigyan bulaklak ng dyowa
- BULGAR
- Nov 6, 2022
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | November 6, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Arlene ng Cebu.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na nag-date kami ng dyowa ko, tapos may dala siyang bulaklak na kung tawagin ay lily at ibinigay niya ito sa akin. Masayang-masaya kami, lalo na ang boyfriend ko na hindi na napigil ang sarili sa pagpaparamdam sa akin na talagang mahal niya ko. Ginantihan ko naman ng pagpaparamdam kung gaano ko siya kamahal.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Arlene
Sa iyo, Arlene,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na binigyan ka ng bulaklak na lily ng dyowa mo ay magiging masaya ang binabalak n’yong pagpapakasal at maging ang bagong negosyo na bubuksan n’yo ay magtatagumpay din.
Samantala, ang hindi na siya nakapagpigil, kaya ipinaramdam niya na mahal na mahal ka niya at ganundin ang ipinadama mo sa kanya ay nangangahulugan na marami kayong mga kaibigan na mapagkakatiwalaan at handang dumamay sa inyo sa sandali ng kagipitan. Panatag ang loob n’yo kapag kasama sila at palagi kayong masaya.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments