top of page

Kahulugan ng bibitayin at walang ganang kumain

  • BULGAR
  • Sep 20, 2021
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | September 20, 2021


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Edward ng Masbate.


Dear Maestra,


Isa ako sa mga humahanga sa pag-aanalisa ninyo ng mga panaginip na ipinadadala sa inyo ng mga mambabasa ng inyong column. Nais kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko.


Napanaginipan ko na may nagawa akong krimen at hinatulan ako ng bitay, tapos bibitayin na ako sa lalong madaling panahon. Bago ako bitayin, naghain sila ng masasarap na pagkain sa mesa at sinabing puwede kong kainin kung anumang gusto kong kainin, tapos tinikman ko ‘yung ham pero kaunti lang dahil wala akong gana. Ano ang nais ipahiwatig ng panaginip ko?


Naghihintay,

Edward



Sa iyo, Edward,


Maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo na bibitayin ka na sa lalong madaling panahon. Ang ibig sabihin niyan ay makatatanggap ka ng pera sa susunod na mga araw. Tamang-tama lang ito sa mga pangangailangan mo.


‘Yun namang tinikman mo ang ham pero kaunti lang, ito ay nagpapahiwatig na malapit ka nang suwertehin sa buhay at matatapos na ang mga pagtitiis mo. Luluwag na ang buhay mo, kaunting tiyaga na lang. Ayon nga sa kasabihan, kung may tiyaga, may nilaga.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page